Announcement

EBES, Wagi sa Mass Singing Contest!

posted Sep 20, 2010, 10:19 PM by Cherilyn Mata

    Isa na namang tagumpay ang nakamit ng E. Bernabe Elem. School sa nakaraang Dugong Balagueno Mass Singing Contest. Sa timpalak na ito naglaban laban ang iba't ibang paaralan sa pag-awit ng Dugong Balagueno Hymn. Isa ang aming paaralan na lumahok at nakisali sa timpalak na ito. Sa pakikipagtulungan ng mga magulang, mag-aaral, guro at ang aming maaasahan, mabait at matiyagang punungguro, nagwagi ang E. Bernabe Elementary School sa timpalak na ito. Nagkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat upang maipakita ang pagmamahal at pagtangi sa ating lungsod. Kaya sa bumubuo ng samahan ng Lungsod ng Balanga, maraming salamat at mabuhay!!!

Untitled Post

posted Aug 24, 2010, 1:29 PM by Cherilyn Mata

    Isang tagumpay ang nagamit ng E. Bernabe Elementary School sa katatapos na Dugong Balagueno Mass Singing Competition na nilahukan ng iba't ibang paaralan sa lungsod ng Balanga. Sa nasabing paligsahan, nagkaroon ng tagisan ang lahat ng mag-aaral sa pag-awit ng "Dugong Balagueno Hymn". Dahil sa mithiin ng paaralan na ipakita ang galing ng mga mag-aaral ipinakita nila ang kanilang husay sa pag-awit nito. Sa larangan na ito ang aming paaralan ang naging kampeon sa category B. Sa lahat ng bumubuo sa Mababang Paaralan ng E. Bernabae, CONGRATULATIONS!

"COLOCADO, Wagi sa DSPC"

posted Jan 30, 2010, 7:49 PM by Cherilyn Mata

     Isa na namang mag-aaral mula sa Paaralang Elementarya ng E. Bernabe ang nagkamit ng ikalimang pwesto sa nakaraang DSPC ( Division Schools Press Conference) na ginanap sa Paaralang Elementarya ng Balanga Integrated School noong ika-31 ng Agosto sa taong kasalukuyan.
    Ang nasabing DSPC ay nilahukan ng mga pmapubliko at pampribadong paaralang elementarya at sekundarya sa buong sangay ng balanga.

G. Capili, bagong Punongguro ng EBES!!!

posted Nov 3, 2009, 11:21 PM by Cherilyn Mata

    Ang Mababang Paaralan ng E. Bernabe ay nagagalak sa pagkakaroon ng bagong punongguro. Sa halos mahigit isang taon ang aming paaralan ay nabakante sa punongguro. Sa pagkakataong ito ang EBES ay magkakaroon muli ng isang ama na siyang gagabay sa aming munting paaralan.
    Ang isang paaralan ay nangangailangan ng isang punongguro upang siyang gumabay at mag-alalay sa pangangailangan nito. Sa ganitong paraan ang paaralan ay nagiging mas agresibo at produktibo kung may isang punongguro na tutulong.
    Kaya sa aming punongguro, Welcome to our school and mabuhay!!! 

Sample Announcement

posted Oct 29, 2008, 8:06 PM by Cherilyn Mata

To All Teachers:

Please be advised that regular classes will resume on November 3, 2008 Monday,

1-5 of 5