Announcement‎ > ‎

EBES, Wagi sa Mass Singing Contest!

posted Sep 20, 2010, 10:19 PM by Cherilyn Mata
    Isa na namang tagumpay ang nakamit ng E. Bernabe Elem. School sa nakaraang Dugong Balagueno Mass Singing Contest. Sa timpalak na ito naglaban laban ang iba't ibang paaralan sa pag-awit ng Dugong Balagueno Hymn. Isa ang aming paaralan na lumahok at nakisali sa timpalak na ito. Sa pakikipagtulungan ng mga magulang, mag-aaral, guro at ang aming maaasahan, mabait at matiyagang punungguro, nagwagi ang E. Bernabe Elementary School sa timpalak na ito. Nagkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat upang maipakita ang pagmamahal at pagtangi sa ating lungsod. Kaya sa bumubuo ng samahan ng Lungsod ng Balanga, maraming salamat at mabuhay!!!

Comments