Latest News

    Pulong ng mga Punungguro sa EBES..  

     

Nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng mga Punungguro ng Ikalawang Distrito sa pamumuno ng ating PSDS Ginang Jeanette L. Andales sa aming paaralan noong ika—1 ng Pebrero ng taong ito.

              Ang pulong na ito ay ginaganap buwan buwan sa iba’t ibang paaralan ng ikalawang distrito. Ito ay isang hakbang upang pag-usapan ang mga problemang kinakaharap ng bawat paaralan, pag-usapan ang kanilang mga agenda at magkaroon sila ng panahon upang mapuntahan at mabisita ang mga iba’t ibang paaralan mula sa ikalawang distrito. Mapalad ang aming paaralan kahit na may kalayuan ito pa rin ay kanilang pinuntahan.

  Dahil sa pamumuno ng aming Punungguro na si Ginoong Alejandro I. Icban maluwalhating nairaos ang pulong na ito. Sa mga punungguro at sa ating Mabait at Masipag na PSDS maramingg salamat po sa inyong pagbisita.

 Hanggang sa muling pagbisita.....

 

SPG, Katuwang sa Paaralan

posted Mar 6, 2017, 5:25 PM by Cherilyn Mata

 

Taun-taon ay nag-oorganisa ang bawat paaralan ng samahan ng mga mag-aaral na mamumuno para sa susunod na taon ng pasukan, ito ang Supreme Pupil Government o SPG. Ang organisasyong ito ang magsisilbing lider  na siyang magpapatupad at mangunguna sa mga proyekto at gawain sa paaralan. Bilang pagsunod dito, ang Paaralan ng E. Bernabe sa pangunguna ni Gng. Enonie B. Torrecampo, SPG Coordinator, ay nagtatag ng dalawang partido, ang KMB (Katangi-tanging Mag-aaral ng Bernabe) at ROCKS (Responsible, Outstanding, Charming, Kind Student).

Bilang paghahanda ng dalawang partido sa pangangampanya ay sinimulan nila ang pagbuo ng plataporma na kanilang inilahad sa mga mag-aaral.  Gumawa din sila ng mga materyales na ginamit sa kampanya. Sa panahong ito ay naging abala ang

kapwa partido para maipakita sa mga mag-aaral ang kanilang husay bilang kandidato. Makikita sa bawat mukha nila ang kasiyahan at kaba habang nagsasalita sa harap ng maraming bata.

 Kasunod ng kampanya ay naganap na ang botohan. Bawat bata mula Baitang I hanggang VI ay nagkaroon ng pagkakataon na piliin ang kandidato na gusto nilang mamuno

Pagkatapos nito ay isinagawa na din ang bilangan at pagproklama sa mga nanalong opisyales na pinangunahan ng mga guro. Hindi mababayaran ang kanilang kasiyahan na nadama sa oras na iyon. At kaakibat ng kasiyahang iyon ang pananabik sa kanilang pag-upo bilang bagong lider ng mga mag-aaral.

Nawa ay maging makabuluhan at produktibo ang kanilang pamumuno sa susunod na taon ng pasukan.

 

Basura Mo, Tulong sa Paaralan

posted Mar 6, 2017, 2:58 PM by Cherilyn Mata

Nag-organisa ng isang proyekto ang bagong pamunuan ng mga Magulang at Guro ng paaralang E. Bernabe na nagmula sa  mga basura na magiging malaking tulong sa pangangailan ng paaralan at lalong higit sa mga masisipag  na mag-aaral.

Itinuturing na malaking problema ang basura sa kasalukuyan saanmang lugar.  Upang maibsan ang suliraning ito, ang pamunuan ng mga Magulang at Guro ay nakaisip ng isang  proyekto na kung saan ay nag-ipon at nangolekta sila ng mga bagay na  patapon na at maaaring pakinabang pang muli.  Sa pagsasagawa ng nasabing proyekto ay ipinulong ni Gng. Jennifer  N. Vicedo , punungguro ng paaraan ang naturang samahan para pag-usapan ang mga dapat gawin. Sa pangunguna ni Gng. Dionette O.Tamoro, pangulo ng GPTA ay agad na sinimulan ito sa pamamagitan ng pang-eengganyo sa mga bata at magulang.

Para sa pakikiisa sa proyektong ito, ang bawat mag-aaral ay nagdala ng mga bagay na pakikinabangan pa tulad ng plastic bottle, lata, lumang dyaryo / magasin at iba pa na kung saan ay iniipon muna sa kani-kanilang silid-aralan.

   Ang mga nakolektang bagay ay kinukuha lingo-lingo ng mga naatasang officers sa bawat klasrum para pagsamasamahin at ibenta. Ang malilikom na pondo ay gagamitin sa paglilinya ng mga ceiling fan sa bawat silid aralan. Ito ay makakatulong sa bawat mag-aaral na magkaroon ng maayos at komportableng pag-aaral. 

Sa lahat ng tumulong maraming salamat po!


 




 




 

 

"E.B.E.S, kampeon sa Sipa Takraw"

posted Dec 7, 2016, 7:38 PM by Cherilyn Mata

Taon-taon nagkakaroon ng paligsahan sa Isport ang Dibisyon ng Lungsod ng Balanga. Noong ika 24 hanggang 26 ng Nobyembre, ginanap ang City Meet ’16. Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang paaralan na nagpaligsahan sa ibat ibang laro. Ang Paaralan ng E. Bernabe ay isa sa mga nag-uwi ng panalo sa larangang ng “Sipa Takraw”. Dahil sa ipinakitang determinasyon ng bawat manlalaro at sa pangunguna ng kanilang gurong tagasanay Gng. Arlene S. Reyes, nagamit nilang muli ang kampeon sa taon na ito.

Untitled

posted Nov 30, 2016, 7:32 PM by Cherilyn Mata   [ updated Nov 30, 2016, 7:53 PM ]


Bayani ng Makabagong Henerasyon…

posted Nov 26, 2013, 7:06 PM by Cherilyn Mata

                                                                                                                                                                                            Maraming bata ngayon ang kakikitaan ng angking talento sa iba’t ibang
larangan tulad ng pagsayaw, pag-awit at pagkukuwento. Tulad na lamang ng dalawang mag-aaral na lumahok sa Kindergarten Festival (District level) noong Ika-18 ng Oktubre sa Cupang Elementary School. Sinundan ito ng Division Level na ginanap sa Balanga Elementary School noong ika-30 ng Oktubre sa taong ito.

Sila ay sina Kristana Leigh . Cruzada na nakamit ang unang puwesto sa kategoryang Vocal Solo, at Pauline M. Perello na nasungkit ang ikatlong gantimpala sa kategoryang Story Reading.

Masasabing isang tagumpay ito sa mga bata na nagsisimula pa lamang na tumuklas ng bagong kaalaman sa larangan ng edukasyon. Kaya sa inyo mga batang paslit, isang taos-pusong pagbati

 

Bagong Mukha sa E.B.E.S.

posted Nov 26, 2013, 6:50 PM by Cherilyn Mata

Sa  pagkakaroon ng mga bagong guro ng Paaralang E. Bernabe, namutawi ang ngiti sa mga labi ng bawat mag-aaral. Panibagong pakikisama , pagkilala at bagong maituturing na magulang sa paaralan.

                Siya ay tubong taga-Brgy. Dangcol, ipinanganak noong ika-12 ng Enero taong 1988. Dahil sa pangarap niyang makapagturo sa kinagisnang lugar, nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo sa Tomas del Rosario College noong 2012. Siya sy ai G. Rolly P. Natanawan, isang magiting, masikap at mahusay na guro.

                Mabuhay ka Sir Roly!

Si Gng. Enonie B. Torrecampo ang isa pang katuwang sa paghubog ng kaalaman ng mag-aaral. Noong ika-25 ng Disyembre 1970, siya ay isinilang sa Brgy Cupang na kaslukiyan ay kanya na ring tirahan. Sa pagpupunyagi at pagsusumikap siya ay nakaasa ng Board Exam at sa kasalukuyan Ay isa na siyang masipag, matiyaga at makapagkalingang guro ng Paaraalang Elementarya ng E. Bernabe.

                 Ipagpatuloy mo Mam Enonie!!!

 



  

Paaralan ang magkaroon ng mabait, masipag at maunawaing School Head. Siya ay tubong Central. Ipinanganak noong ika-2 ng Marso taong 1982. Mapalad tayo sa pagkakaroon ng School Head na may pagmamalasakit, pagmamahal sa ating paaralan sapagkat siya  ang kauna-unahang nahirang na Pang-ulong guro na nagmula sa ating mahal na barangay.

                 Nagagalak kami sa iyong tagumpay Ma’am Vicedo!!!

 


BNHS Annex, Itinatag!

posted Nov 26, 2013, 6:10 PM by Cherilyn Mata

 Sa hangarin ng pamunuan ng pamahalaan na mabigyan ng magandang kalidad ng Edukasyon ang bawat Pilipino. Nagkaroon ng  bagong kurikulum sa edukasyon, ito  ang k to 12 curriculum. Sa patuloy na implementasyon nito sa bawat paaralan, bukod sa Kinder hanggang Grade VI. Magkakaroon ng karagdagang dalawang taon sa sekundarya. Ito ay isang hakbang upang maihanda ang bawat Pilipino na maging isang responsableng mamamayan.

Kaakibat nito, ang problemang kinahaharap ng mga magulang na nagsipagtapos sa paaralan ng E. Bernabe.  Dahil sa pagmamahal at pagnanais ng ating pamahalaan na mailapit ang edukasyon sa bawat mamamayan nagtatag ng BNHS Annex sa barangay na ito. Isang napakalaking tulong lalong higit sa mga magulang na hindi kayang tugunan ang mga pangangailangang edukasyon ng kanilang mga anak. Bawas gastusin at dagdag budget sa bawat pamilyang may kakulangan sa pinasyal na aspeto. edukasyon ng kanilang mga anak. Bawas gastusin at dagdag budget sa bawat pamilyang may kakulangan sa pinasyal na aspeto.

“SIP-PRAP, Bagong Programa”...

posted Nov 26, 2013, 5:20 PM by Cherilyn Mata

Noong ika-5 ng Hulyo, nagkaroon ng pulong ang mga English School Coordinator ng lahat ng paaralan ng lungsod ng Balanga sa pamumuno ni Gng. Merlinda Tablan upang mag-organisa ng isang programa na naglalayong matulungan ang mga batang may mababang antas sa pagbasa sa asignaturang English. Upang masolusyunan ito, nagtatag ng programang SIP-PRAP ( Special Instruction Program for the Project Reading After Progress) na may adhikaing mahasa at mapabilis ang mga bata sa pagbabasa.

Sa tuwing ika-3:30 ng hapon ang mga mag-aaral na napili mula sa Ikalawa at Ikatlong baitang ay nagkakaroon ng pagkakataon na pabasahin upang matuto at mapabilis ang kanilang kalidad sa pagbabasa. Pinamumunuan ito nina Gng. Maricel S. Perey, guro sa ikalawang baitang at Gng. Cherilyn L. Mata, guro sa ikatlong baitang. Bago sinimulan ang programa ay nagdaos ng pulong kamasa ang mga magulang ng mga batang kalahok at ipinaliwanag kung ano ang kahalagahan nito.

 Ito ay isang malaking tulong sa mga batang nagnanais na mapataas ang kanilang kaalaman. Sa paraang ito mababawasan ang mga estudyante na may problema sa pagkatuto at higit sa pagbabasa. Ang nasabing programa ay ipatutupad hanggang sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon. 

Christmas Party sa EBES..

posted Jun 25, 2012, 6:45 AM by Cherilyn Mata

Ang pinakahihintay ng mga bata ay ang buwan ng Disyembre dahil ito ay paggunita sa kapanganakan ni Jesus at ito rin ang buwan ng pagmamahal at pagbibigayan.

              Noong ika-16 ng Disyembre nagdaos ng isang Christmas Party ang aming paaralan. Ito ang isang araw na pinakahihintay naming maganap sa kadahilanang nmagkakaroon kami ng

munting palatuntunan, pagbibigay ng regalo at munting salu-salo sa aming silid-aralan.

              Nagsimula ang araw na ito sa munting programa na kung saan nagpakita ng kanya-kanyang galing sa pagsayaw ang mga mag-aaral sa bawat baiting. Kasunod nito ang mga palaro na ginagiliwan ng lahat na dumalo sa kasiyahang ito.

 

 

 

Leaño at Zita, Nagpakitang-gilas sa DSPC

posted Jun 25, 2012, 6:29 AM by Cherilyn Mata

Ang mga piling mag-aaral ng Mababang Paaralan ng E. Bernabe ay masiglang lumahok sa Division Schools Press Conference na ginanap sa Mababang Paaralan ng Balanga noong nakaraang ika-28 at 29 ng Nobyembre., taong 2011. Ang naturang paligsahan ay binubuo ng iba’t-ibang kategorya sa larangan ng pamamahayag. Ito ang talaan ng mga batang nagsilahok sa bawat kategorya:     Ang mga sumusunod ang naging mga kalahok sa nasabing patimpalak. News Writing Bryan Patrick L. Martinez at Daisy M. Dabu, Feature writing Ellamay M. Malabanan, Sports Writing Danica P. Delgado at Angelica A. Zita, Editorial Writing Rhassel P. Vicedo, Copy reading & Headline Writing Dana Sofia F. Perello at John Morris T. Balboa, Photojournalism Kenneth Aeron M. Leaño  at Joan M. Deleus. Ang mga naging gurong tagasanay Bb. Joahna S. Sabado at Gng.Cherilyn L. Mata.

Ang dalawang bata sa ikaanim na baiting ay mapalad na nanalo sa nasabing paligsahan. Natamo ni Kenneth Aeron M. Leaño ang pagiging kampeon sa Photojournalism-English sa ilalim ng gurong tagasanay na si Bb. Joahna S. Sabado. Nasungkit din ang ikaapat na puwesto ni Angelica A. Zita sa pagsulat ng Balitang Pampalakasan sa pagsasanay ng guro sa Filipino na si Gng. Cherilyn L. Mata.

Ang mga batang nagwagi ng ika-una hanggang ikatlong puwesto ay lalahok sa Regional Schools Press Conference na gaganapin sa Olongapo City Elementary School sa Enero 24-27, 2012.

 

1-10 of 21