Latest News‎ > ‎

5th World Teachers’ Day, ipinagdiwang!!!

posted Feb 6, 2012, 8:52 PM by Cherilyn Mata

    

Matagumpay na naidaos ng aming paaralan ang 5th World Teacher Day noong ika-5 ng Oktubre 2011.

           Ang aming mga dakilang guro ay nagkaroon ng programa na kung saan sila ay nagtagisan ng kanilang galing sa iba’t ibang laro. Ipinakita nila dito ang kanilang mga kahusayan at lakas.

           Alinsunod sa programang ito nagkaroon din ng libreng pedicure at manicure sa lahat ng mga guro.

           Dumalo din ang aming guro sa Ultra, Manila na kung saan ginanap ang selebrasyon ng 5th World Teachers Day na nilahukan ng iba’t ibang guro mula sa ibat’ ibang rehiyon.

           Ang araw na ito para sa kanila ay isang paggunita sa kanilang dedikasyon sa larangan ng pagtuturo. Hindi matatawaran ang kanilang pagsisikap upang tayong mga   mag-aaral ay magkaroon ng kaalaman at  hubungin sa magandang asal. Sa kanila tayo nagsisimulang humabi ng mga munting pangarap. Pangarap na magiging hakbang namin upang makamit ang aming tagumpay.

           Kami pong lahat ng mag-aaral ng E. Bernabe Elementary School ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga dakilang guro na walang sawang nagtuturo sa amin . Nawa’y gabayan kayo ng Maykapal .

           Maraming-maraming salamat po!!!

Comments