Latest News‎ > ‎

Basura Mo, Tulong sa Paaralan

posted Mar 6, 2017, 2:58 PM by Cherilyn Mata

Nag-organisa ng isang proyekto ang bagong pamunuan ng mga Magulang at Guro ng paaralang E. Bernabe na nagmula sa  mga basura na magiging malaking tulong sa pangangailan ng paaralan at lalong higit sa mga masisipag  na mag-aaral.

Itinuturing na malaking problema ang basura sa kasalukuyan saanmang lugar.  Upang maibsan ang suliraning ito, ang pamunuan ng mga Magulang at Guro ay nakaisip ng isang  proyekto na kung saan ay nag-ipon at nangolekta sila ng mga bagay na  patapon na at maaaring pakinabang pang muli.  Sa pagsasagawa ng nasabing proyekto ay ipinulong ni Gng. Jennifer  N. Vicedo , punungguro ng paaraan ang naturang samahan para pag-usapan ang mga dapat gawin. Sa pangunguna ni Gng. Dionette O.Tamoro, pangulo ng GPTA ay agad na sinimulan ito sa pamamagitan ng pang-eengganyo sa mga bata at magulang.

Para sa pakikiisa sa proyektong ito, ang bawat mag-aaral ay nagdala ng mga bagay na pakikinabangan pa tulad ng plastic bottle, lata, lumang dyaryo / magasin at iba pa na kung saan ay iniipon muna sa kani-kanilang silid-aralan.

   Ang mga nakolektang bagay ay kinukuha lingo-lingo ng mga naatasang officers sa bawat klasrum para pagsamasamahin at ibenta. Ang malilikom na pondo ay gagamitin sa paglilinya ng mga ceiling fan sa bawat silid aralan. Ito ay makakatulong sa bawat mag-aaral na magkaroon ng maayos at komportableng pag-aaral. 

Sa lahat ng tumulong maraming salamat po!


 




 




 

 

Comments