Nasungkit ng mababang Paaralan ng E. Bernabe ang ikatlong puwesto sa Pandistritong Paligsahan ng Jazz Chants. Ito ay ginanap noong Oktubre 14, 2011 na kung saan ang mga hurado na sina Gng. Jeanette L. Andales, Tagasuri ng Ikalawang Distrito, Gng. Teresita Nisay, EPS ng Makabayan at Gng.Mercedita Gallardo, EPS ng EPP ay matiyagang nagpunta sa siyam na paaralang sakop ng Ikalawang Distrito upang matunghayan ang inihandang piyesa ng mga kalahok. Ang paligsahang
ito ay binubuo ng labinglimang mag-aaral mula sa ikalima at ikaanim na baitang.
Sikap at tiyaga ang puhunan ng mga batang kalahok at ng gurong tagasanay na
si Bb. Joahna S. Sabado, katulong ang iba pang mga guro na
sina Gng. Cherilyn L. Mata, Gng. Jovelyn C. Cantara at Gng. Criselda D. Guzon. Sila ay nagtulung-tulong upang maipakita ang husay at galing ng mga bata. Tunay na kaakibat ng sipag at tiyaga ang tagumpay!
|
Latest News >