Latest News‎ > ‎

ICT Lab sa E.B.E.S.

posted May 13, 2011, 1:21 AM by Cherilyn Mata

    Teknolohiya, isa sa mga pangunahing kailangan ng mga tao ngayon. Dahil dito, ang mga dalubhasa  sa larangan na ito ay nagsasaliksik upang higit pa itong mapaunlad.

                Kaya ang ating paaralan ay nagkaroon at nag-organisa ng isang ICT laboratory. Ang laboratory na ito ay makatutulong ng malaki sa ating mag-aaral.

                Sa pagkakaroon nito, kami ay magkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng computer. Ito ay isang hakbang upang sila ay mamulat at masanay sa bilis ng pagbabago ng teknolohiya. Hakbang din ito tungo sa pagiging isang World Class!

 

 

Comments