Latest News‎ > ‎

JVR Foundation patuloy na sumusuporta!!!

posted Mar 20, 2011, 8:13 PM by Cherilyn Mata

    Malnutrisyon, isa sa mga problema ng mga bata sa aming paralan. Dala marahil ng kahirapan kaya hindi natutugunan ang kanilang pang-araw-araw na pagkain.

               Sa kabutihang loob ng mga taong bumubuo ng JVR Foundation ay natutugunan  ang problemang ito. Sa loob ng tatlong taon, mapalad ang Paaralang E. Bernabe sa pagiging beneficiary nito.

               Araw-araw, ang mga bata ay nagkakaroon ng pagkakataon ng makakain ng wasto at masustansyang pananghalian. Dahil dito nababawasan ang bilang ng mga batang kulang sa timbang.

               Sa taong ito, ang mga mag-aaral sa baitang I at II ang napiling mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng sapat na nutrisyon. Ito ay binubuo ng limampu’t limang mag-aaral.

               Kaya sa lahat ng bumubuo ng JVR Foundation ay lubos ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta sa aming paaralan.

Maraming Salamat Po!!!

 

Comments