Latest News‎ > ‎

Libreng School Supplies, ipinamahagi!

posted Feb 6, 2012, 9:27 PM by Cherilyn Mata

Masasabing masuwerte ang  Dibisyon ng Lungsod ng Balanga sa kadahilanang nagkaroon tayo ng isang mabait, matulungin at maaasahang Punong Lungsod  Joet S. Garcia.

                Sa kanyang walang sawang pagsuporta sa     larangan ng edukasyon, nagkaroon sila ng programa kung saan nagpamigay sila ng   libreng school supplies sa lahat ng mga mag-aaral sa  Dibisyon ng Lungsod ng Balanga. Kaakibat niya sa programang ito ang kanyang ama na si Gobernor Tet S. Garcia at ang kanyang kapatid na si Cong. Abet S. Garcia.

Adhikain ng Sangguniang Panglungsod na magkaron ng mga  kagamitan sa pag-aaral ang lahat ng mag-aaral ng Lungsod ng Balanga.

Ito ay isang napakalaking tulong hindi lamang sa aming mga mag-aaral bagkus ay sa aming mga magulang. Lalo na sa mga magulang na walang kakayahan na makabili ng kagamitang pampaaralan  ang kanilang mga anak.

Kaya mula sa mga guro, mag-aaral , magulang at punongguro ng aming paaralan kami ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat na nasa likod ng programang ito.

Comments