Latest News‎ > ‎

NICAP Construction, isang Gantimpala…….

posted Mar 20, 2011, 8:53 PM by Cherilyn Mata

                Masasabing isa sa mga masusuwerteng paaralan sa Balanga ang E. Bernabe dahil sa mga biyayang natatanggap nito mula sa iba’t ibang organisasyon. Isa na rito ang NICAP Construction na dalawang taon ng nagbibigay ng tulong sa aming mga bata.

               Ang NICAP Construction ay isang pribadong organisasyon na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral  na buhat sa iba’t ibang paaralan. Ilan sa mga ito ay ang M.P. Cuaderno, Barrio Central, Tanato, at ang aming paaralang E. Bernabe.

               Sa tulong na ito ay nagkakaroon ng bagong kagamitang pang-eskwelahan ang mga batang salat sa  ganitong gamit. Mayroon ding mga bata na pinagkakalooban ng bagong uniporme na kanilang magagamit sa pagpasok.

               Sa NICAP Construction, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyo. Nawa’y patuloy kayong gantimpalaan ng ating Poong Maykapal nang sa gayon ay maraming bata pa kayong matulungan.

 

Comments