Latest News‎ > ‎

SPG, Katuwang sa Paaralan

posted Mar 6, 2017, 5:25 PM by Cherilyn Mata

 

Taun-taon ay nag-oorganisa ang bawat paaralan ng samahan ng mga mag-aaral na mamumuno para sa susunod na taon ng pasukan, ito ang Supreme Pupil Government o SPG. Ang organisasyong ito ang magsisilbing lider  na siyang magpapatupad at mangunguna sa mga proyekto at gawain sa paaralan. Bilang pagsunod dito, ang Paaralan ng E. Bernabe sa pangunguna ni Gng. Enonie B. Torrecampo, SPG Coordinator, ay nagtatag ng dalawang partido, ang KMB (Katangi-tanging Mag-aaral ng Bernabe) at ROCKS (Responsible, Outstanding, Charming, Kind Student).

Bilang paghahanda ng dalawang partido sa pangangampanya ay sinimulan nila ang pagbuo ng plataporma na kanilang inilahad sa mga mag-aaral.  Gumawa din sila ng mga materyales na ginamit sa kampanya. Sa panahong ito ay naging abala ang

kapwa partido para maipakita sa mga mag-aaral ang kanilang husay bilang kandidato. Makikita sa bawat mukha nila ang kasiyahan at kaba habang nagsasalita sa harap ng maraming bata.

 Kasunod ng kampanya ay naganap na ang botohan. Bawat bata mula Baitang I hanggang VI ay nagkaroon ng pagkakataon na piliin ang kandidato na gusto nilang mamuno

Pagkatapos nito ay isinagawa na din ang bilangan at pagproklama sa mga nanalong opisyales na pinangunahan ng mga guro. Hindi mababayaran ang kanilang kasiyahan na nadama sa oras na iyon. At kaakibat ng kasiyahang iyon ang pananabik sa kanilang pag-upo bilang bagong lider ng mga mag-aaral.

Nawa ay maging makabuluhan at produktibo ang kanilang pamumuno sa susunod na taon ng pasukan.

 

Comments