News

Gulayan sa Paaralan, Malaking Pakinabang

posted Mar 6, 2017, 7:50 PM by Cherilyn Mata

Maituturing ng Paaralang E. Bernabe ang pagkakaroon ng “Gulayan sa Paaralan” na isang tagumapy. Ito ay isang maliit na hardin sa loob ng paaralan na kung saan ang mga mag-aaral at gurong tagapatnubay ay nagtutulong

-tulong sa pagtatanim.  Nakapaloon ang pagtatanim  sa asignaturang EPP. Dahil sa gawaing ito lumalawak ang kaalaman ng mga bata sa paraan ng paghahalaman. Nahahasa din ang kanilang galling sa pag-aalaga ng iba’t ibang halaman dahil sila mismo ang nangangalaga sa mga tanim.

Patunay lamang ito na ang isang maliit na lugar ay nagkakaroon ng buhay at nagsisilbing malaking tulong sa paaralan at mag-aaral.

 

Bakuna para sa Kaligtasan

posted Mar 6, 2017, 3:02 PM by Cherilyn Mata

  

 Idinaos ang  Immunization Program sa Paaralang E. Bernabe noong  ika—11 ng Agosto, 2016 sa Unang Baitang sa ganap na ika-9 ng umaga. Pinangasiwaan ito ng City Health Workers at kaagapay ang Barangay Health Workers.

    Maituturing na isang sagabal sa pagkatuto ng mag-aaral ang pagkakaroon ng karamdaman. Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa hinaharap, ang Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan ay nag-organisa ng libreng bakuna

na kung saan makakatulong na maibsan at mapigilan ang mga sakit na puwedeng dumapo sa bawat mag-aaral. Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat batang kalahok sa bakunang ito, ang bawat magulang ay kailangang maisumite nila ang health card ng kanilang mga anak. Alinsunod nito ang pagkakaroon ng checklist na tumutukoy sa kalusugan ng kanilang mga anak.

Hinikayat ang lahat ng mag-aaral ng Unang Baitang na makiisa at makilahok sa bakunang inilunsad.

 

BUWAN NG WIKA 2016!

posted Dec 1, 2016, 5:10 PM by Cherilyn Mata

Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ng Buwan ng Wikang Pambansa ay “Filipino: Wika ng Karunungan.” Ito ay pumapaloob sa apat na paksa na magiging patnubay ng programa sa buwan ng Agosto. Ang layunin ng lingguhang paksa ay ang mga sumusunod:
  1. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinga;

  2. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;

  3. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan; at

  4. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

 

Ang Paaralang Elementarya ng E. Bernabe ay nakiisa sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon ng Wikang Filipino ( KWF) na imulat at ikintal sa isipan ng bawat bata ang kahalagahan ng “Buwan ng Wika” sa buong kapuluan. Ang paaralan ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidades sa bawat Linggo ng nasabing buwan, isa na dito ang pagpapalabas ng talambuhay ni Manuel L. Quezon, ama ng Wikang Pambansa,  na may kaugnay sa kanyang mga naiambag sa ating lipunan, mga nakakaantig damdaming awiting makabayan na nagpapagising sa diwa ng pagiging isang Pilipino at pagpapakitang gilas ng piling mga bata sa pagbigkas ng tulang “Filipino: Wika ng Karunungan.” Kaugnay nito, nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga ito. Pinabatid sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng ating “Wikang Pambansa” at paano mapapahalagahan ng isang batang Pilipino ang kanyang sariling bansa.

 

Makabuluhang naisagawa ang programang ito sa bawat silid – aralan ng bawat grado. Makikita at maaaninag sa bawat mag-aaral ang kanilang pagmamahal at pagsuporta na pahalagahan ang sariling wika. Hindi lingid sa ating kaalaman na mahalagang aspekto ng pagiging isang Pilipino ang kaalaman at kahusayan niya sa paggamit ng nito.

 

Cook Fest ng E.B.E.S... Temang Pangkalusugan!

posted Dec 1, 2016, 5:07 PM by Cherilyn Mata

Sa ikauunlad ng kalusugan ng bawat mag-aaral, ang Paaralang Elementary ng  E. Bernabe ay nagdaos ng “Buwan ng Nutrisyon” na may temang Cook Fest ’15 noong ika-23 ng Hulyo 2015. Naglalayon itong mapalaganap ang kahalagahan ng pagkain ng masusustansiyang pagkain lalo na ang gulay.

Nutrisyon ay isang mahalagang sangkap sa katawan ng isang tao upang matugunan ang pang-araw-araw na gawain nang matiwasay at maayos. Ito ay malaking aspeto na makakatulong sa paghubog ng kaisipan na makalinang ng makabuluhang gaw

Ang mga kalahok sa paligsahan ito ay mga magulang at kanilang mga anak na nagmula sa Kinder hanggang sa Ika-anim na baitang na ang pinakasangkap ay ang “kangkong”. Upang mabigyan ng kasiyahan ang mga lumahok

nagbigay ng gantimpla sa mga nanalo ang paaralan sa pangunguna ng butihing punugguro na si Ginang Jennifer N. Vicedo ng mga munting regalo at sertipiko.  Nakamit ni Gng. Amie S. Magsino at ng kanyang anak na si Almira S. Magsino ang unang pwesto na galing sa Ikalimang baitang. Ikalawang pwesto naman ay nagmula sa ikalawang baitang Gng. Priscilla Magsino at Lei-mar Magsino at ang ikaltong pwesto ay sina Gng. Desiree Erni at Eian Erni ng Ikatlong Baitang Ang nasabing programa ay isang hakbang upang maimulat ang kaisipan ng magulang at higit sa lahat ng kanilang mga anak na magkaroon ng wasto at tamang nutrisyon.


 



 

 

 

Tulong-tulong sa Pagsulong!

posted Dec 1, 2016, 4:58 PM by Cherilyn Mata

Ang Department of Education kasama ang Regional Office Schools Division Offices, District Offices at lahat ng publikong paaralan ng elementary at sekundarya ay muling nagsagawa ng Brigada Eskwela noong May 18-23 na may paksang “Tayo Para sa Kalinisan at Kahandaan ng Ating Paaralan”. Ang programang ito  ay hinihikayat ang lahat na maglaan ng kanilang panahon at magbahagi ng mga bagay na makakatulong sa pagpapaganda ng pasilidad ng mga paaralan para sa darating na pasukan.

Noong nakaraang Mayo 18, ang Dibisyon ng City of Balanga kasama ang Pamahalaang Lokal ng Balanga ay nagsagawa ng caravan para sa pagbubukas ng unang araw ng Brigada Eskwela 2015 sa Plaza Mayor. Ang nasabing caravan ay nagsimula ng ika-6 ng umaga at dinaluhan ng 18 pampublikong paaralan, 2 sekondarya at iba’t ibang organisasyon sa siyudad.

Si Gng. Jennifer n. Vicedo, Pang-ulong Guro ng Paaralan ng E. Bernabe ang nanguna sa pagpaplano ng mga aktibidades sa png paglilinis at pagpapaganda  ng paaralan. Nakiisa sa programa ang mga magulang, Sangguniang Baranagy at ang Pangkalahatang Samahan ng mga Magulang.

Sa pagsasagawa ng programa, nandiyan si Sir Salvador P. Isip, sa Science   EPS—I upang sumubaybay sa mga gawain. Tinalakay din ni Sir Isip sa mga magulang at iba pang volunteers ang kompanya  ng Kagawarn ng Edukasyon na “Tayo Para sa Edukasyon”.


Dahil dito ang mga guro ay buong pusong nagpapasalamat sa mga kabarangay, mga magulang, mga kabataang iskolar, kabalikat at mga miyembro ng 4P’s sa kanilang tulong. Kung wala sila, hindi magiging matagumpay ang programa. Ito ay isang patunay na nananatili pa din ang kaugalian ng mga Pilipino na bayaniham.


 



 

 

"Bonifacio Day sa EBES"

posted Nov 30, 2016, 7:48 PM by Cherilyn Mata   [ updated Nov 30, 2016, 7:49 PM ]

Isang makasaysayan ang buwan ng Nobyembre sa kadahilanang ginugunita ang kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio ang Dakilang ama at nagtatag ng Katipunan sa panahon ng Espanol sa tuwing ika-30 ng nasabing buwan.  Siya ay may malaking ginampanan  sa kasaysayan ng ating bansa upang imulat ang kaisipan ng  bawat Pilipino sa kalagayan ng bansang Pilipinas at himukin sila na makipaglaban para sa kalayaan. 

             At bilang pagpupugay sa kanyang kadakilaan at kabayanihan, ang Paaralang Elementarya ng  E. Bernabe ay nakiisa at nagsagawa ng iba’t ibang aktibidades sa pag-alaala sa pagdaraos kanyang kaarawan. Sa pamamagitan nito nakintal sa isip at puso ng bawat mag-aaral ang kadakilaang ginawa ni Bonifacio para sa lahing Pilipino. Ito ay isa ring paraan upang mapahalagahan ang kaniyang naiambag.

            Sa pangunguna ni Gng. Cherilyn L. Mata, guro sa Ikalawang Baitang, ang bawat baitang ay nagdaos sa bawat silid-aralan para sa selebrasyon ng “Bonifacio Day”. Para sa mag-aaral sa Kinder, ang guro ay naghanda ng munting talakayan para sa ating bayani. Ang Unang Baitang ay nagkaroon ng isang makabuluhang pagkukuwento na tumalakay sa talambuhay ni Bonifacio. Sa Ikalawang Baitang, nagpagawa ang guro ng mga slogan na nagsasaad ng kaniyang kadakilaan . Ikatlong Baitang, naghanda ang guro ng isang kuwento na kapupulutan ng aral at pagguhit ng mga piling mag-aaral tungkol kay Bonifacio. Sa Ikaapat na Baitang, nagkaroon ng isang film showing tungkol sa buhay ni Bonifacio. Malikhaing pagkukuwento ang ginawa ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang at nagtagisan sa pagguhit ang mga mag-aaral ng Ikaanim na Baitang. 

            Hindi matatawaran ang kadakilaang ginawa ni Andres Bonifacio sa bansa. Sa pagbuwis ng kanyang buhay at paghihirap na kanyang dinanas, nararapat lamang na siya ay pasalamatan at bigyang pugay. Sa munting pag-alala sa pamamagitan ng mga ginawa ng mga mag-aaral, ito ay isang hakbang upang siya ay hindi malimutan lumipas man ang maraming taon.

 

 

Bagong Imbensyong Pinoy!

posted Nov 26, 2013, 6:42 PM by Cherilyn Mata

May isang imbensyong Pinoy na makalulutas sa pagkasira ng mga pagkain na madaling masira o mabulok. Sa tuwing sumasapit ang bagyo, kadalasang nagiging problema ay ang pagkawala ng kuryente na nagdudulot ng pagkabulok ng isda, karne at iba pang pagkain. Sa imbensyon ni Hernie Decena malulunasanang problemang ganito na kaakibat ng mga kalamidad.

Ayon kay Decena, tinawag niya ang teknolohiya na brine immersion freezing. Ang mga isda o karne ay maaaring maimbak nang hanggang alawa o tatlong araw sa mga Styrofoam boxes na hindi ginagamitan ng yelo. Kapag inilagay pa ang mga produkto sa loob ng freezer o chiller para sa BIF freezing, tatagal pa ang mga ito nang hanggang anim na buwan. Napapanatili ang freshness ng mga isda sa teknolohiyang ito. Kaya goodbye na sa nabibilasang isda.

Mabilis din ang freezing na inaabot lang ng 3 hanggang 30 minuto sa BIF. Sa ordinaryong paraan, inaabot ng 3 hanggang 4 na oras bago magyelo.

Malaking pakinabang sa teknolohiyang ito ay ang kadalian nitong ilipat ang pwesto at isaksak sa  kuryente at di gaya ng mga lumang teknolohiya na kailangan ng malaking pwesto na permanenteng pagsasalpakan nito. Very compact ang BIF compartment na parang Chest-type refrigerator lang at kaya ring gumawa ng 3,000 kilo ng yelo araw-araw. Ang nasabing imbensyon ay aprubado ng Bureaue of Fisheries and Aquatic Resources sa mga pagsubok na isinagawa ng University of the Philippines.

Tawa-tawa, Gamot sa Dengue

posted Nov 26, 2013, 6:38 PM by Cherilyn Mata

Ang tawa-tawa o gatas-gatas ay isang halaman na pangkaraniwang tumutubo sa bakuran at sa tabi-tabi. Ang scientific name nito ay “euphorbia hirta”. Noong taong 2010, kung kalian higit sa 70, 000 ang kaso ng dengue na naitala sa buong bansa, ang paghahanap ng “gamot sa dengue” ay lumaganap rin. Ang pinakasikat na natukoy ng mga tao ay ang tawa-tawa o gatas-gatas. Maraming kwentong kumalat at maraming mga tao ang tumestigo sa bisa at talab ng tawa-tawa laban sa dengue. Anila, ito raw ay nakakataas ng platelet count.

                Ano ang katotohanan dito? May ebidensya ba tayo na ang tawa-tawa ya mabisa laban sa dengue? Tayo ay magbalik-tanaw: Ang ating  mg.a katutubong manggagamot ay matagal nang natukoy ang halamang ito bilang isang halamang gamot.

                Tayo naman ay manaliksik: Ayon sa mga pag-aaral na ginawa sa France at Malaysia, mukhang may aksyon ang tawa-tawa sa katawan. Sa mga pangunahing pagsusuri ay nakita nila na ito ay maaaring magpababa ng

lagnat, magpawala ng sakit sa katawan, at sumupil sa implamasyon o pamamaga ng katawan. Ito’y mga 

“preliminary findings” pa lamang na kinakailangan ng mas masuring pag-aaral, ngunit pinapakita na may batayan ang tawa-tawa bilang isang halamang gamot. Sa makatuwid, maari talagang lagang makatulong ang tawa-tawa sa mga sintomas ng dengue gaya ng lagnat, sakit sa katawan, sakit sa ulo at iba pa.

                Subalit hindi naman ito masamang subukan, at maaari rin itong makatulong sa mga sintomas ng dengue. Kailangan pa din nating sabayan ang pag-inom nito ng pagpapakonsulta sa doctor. 

“Proyekto ng GPTA, naisakatuparan! ”

posted Nov 26, 2013, 6:26 PM by Cherilyn Mata

Sa panibagong taon ng klase ay muling nagtatag ang E. Bernabe ng pamunuan ng mga Guro at Magulang. Sa simula pa lamang ng kanilang panunungkulan ay nakabuo agad sila ng isang proyekto sa paaralan. Ito ay ang kanal sa gilid ng Covered Court.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan dahil sa pagtutuungan ng General PTA Officers at mga magulang na nagvolunteer sa pangunguna ng Pangulo ng GPTA na si Gng. Cerila D. Manalo. Malaking tulong ito sa paaralan dahil hindi na dadaloy at mananatili ang tubig sa Covered Court Ground sa tuwing umuulan.

Sa mga taong naging bahagi nito, maraming salamat po. Sana ay na magtulong-tulong pa ang pagsasagawa ng mga proyekto na makakatulong sa paaralan lalo na sa mga mag-aaral.

 

 

 

Pamamahagi ng School Supplies!

posted Nov 26, 2013, 6:23 PM by Cherilyn Mata

Taun-taon may mga taong hindi nakakalimot na mag-ambag ng biyaya sa kanilang kapwa. Sa muling pagsisimula ng pasukan sa taong ito, bumuhos muli ang mga biyaya mula sa mga taong may mabubuting kalooban. Dahil sa mga taong ito, nabigyan na naman ang mag-aaral ng aming paaralan na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Isa na rito ang ating butihing mayor na si Kgg. Joet S. Garcia kasama ng kanyang sanggunian na muling naghandog sa buong lungsod ng balanga ng mga school supplies. Ito ay napakalaking tulong sa mga mag-aaral bagkus gayundin sa mga magulang. Ito ay malaking kabawasan sa kanilang mga gastusin. 

Sa ating butihing Mayor,,, nawa’y huwag po kayong magsawa sa pagbibigay suporta sa amin..

1-10 of 26