News‎ > ‎

“City Meet ‘11”, pinaghahandaan!

posted Feb 6, 2012, 9:51 PM by Cherilyn Mata

Isang pagsasanay ang isinasagawa ng mga piling manlalaro ng aming paaralan sa larangan ng pampalakasan. Ito ay kailangan upang maihanda sila sa Elimination Round sa darating na ika-24 ng Nobyembre sa kasalukuyang taon. Ang mapipili rito ay makakapaglaro sa darating na “City Meet” na gaganapin sa   Disyembre.

            Taun-taon ang aming paaralan ay  naghahanda sa mga ganitong uri ng palaro. Sa paghahandang ito  tinuturuan silang sumunod sa mga tuntunin ng laro at hinuhubog sila sa pagiging isports sa mga larong kanilang sasalihan.

                                                                                                                                    

Sa pag-eensayo nilang ito, nagiging matatag  ang kanilang pangangatawan at isipan.

                        Ang aming mga manlalaro ay lalahok               sa athletics, chess at sepak takraw. Ang bawat manlalaro ay inihahanda ng kani-kanilang mga gurong tagasanay.

            Sa ganitong  mga laro   nakikita ang kahusayan ng mga mag-   aaral hindi lamang sa mga asigna         tura gayundin          sa larangan ng palakasan.

 

Comments