News‎ > ‎

“Malabanan, Valedictorian sa taong ito”

posted Jun 25, 2012, 6:35 AM by Cherilyn Mata

Isang kasiyahan ang masisinag sa mga magulang ng mga batang  nagsipagtapos sa taong ito. Ito ay  hindi lamang tagumpay ng batang nagsipagtapos kundi lalo na ng kanilang mga magulang.

              Sa angking kasipagan at katalinuhan ni Ellamay M. Malabanan siya ang hinirang na Unang Karangalan sa taon na ito. Ibayong pagtitiyaga ang kanyang puhunan upang magamit ito. Sa tulong ng kanyang lolo’t lola siya ay  maluwalhating nakapagtapos. Ang tagumapay niyang ito ay hinahandaog nya sa kanila na walang sawang nag-aruga at nagmahal sa kanya. Hindi niya matatawaran ang ginawang ito ng kanyang Lolo Pilo at Lola Prima.

  Sa unang taon p lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralang ito kinakitaan na siya ng katalinuhan dahil mula baitang isa hanggang lima siya ang nagkamit ng unang karangalan.

  Mula sa aming lahat... Congratulations!!!

 

Comments