News‎ > ‎

Bagong Imbensyong Pinoy!

posted Nov 26, 2013, 6:42 PM by Cherilyn Mata
May isang imbensyong Pinoy na makalulutas sa pagkasira ng mga pagkain na madaling masira o mabulok. Sa tuwing sumasapit ang bagyo, kadalasang nagiging problema ay ang pagkawala ng kuryente na nagdudulot ng pagkabulok ng isda, karne at iba pang pagkain. Sa imbensyon ni Hernie Decena malulunasanang problemang ganito na kaakibat ng mga kalamidad.

Ayon kay Decena, tinawag niya ang teknolohiya na brine immersion freezing. Ang mga isda o karne ay maaaring maimbak nang hanggang alawa o tatlong araw sa mga Styrofoam boxes na hindi ginagamitan ng yelo. Kapag inilagay pa ang mga produkto sa loob ng freezer o chiller para sa BIF freezing, tatagal pa ang mga ito nang hanggang anim na buwan. Napapanatili ang freshness ng mga isda sa teknolohiyang ito. Kaya goodbye na sa nabibilasang isda.

Mabilis din ang freezing na inaabot lang ng 3 hanggang 30 minuto sa BIF. Sa ordinaryong paraan, inaabot ng 3 hanggang 4 na oras bago magyelo.

Malaking pakinabang sa teknolohiyang ito ay ang kadalian nitong ilipat ang pwesto at isaksak sa  kuryente at di gaya ng mga lumang teknolohiya na kailangan ng malaking pwesto na permanenteng pagsasalpakan nito. Very compact ang BIF compartment na parang Chest-type refrigerator lang at kaya ring gumawa ng 3,000 kilo ng yelo araw-araw. Ang nasabing imbensyon ay aprubado ng Bureaue of Fisheries and Aquatic Resources sa mga pagsubok na isinagawa ng University of the Philippines.

Comments