News‎ > ‎

BRIGADA ESKWELA 2011!

posted Feb 6, 2012, 8:13 PM by Cherilyn Mata

        Bago magsimula ang pasukan ay nagkakaroon tayo ng Brigada Eskwela. Ito ay ginagawa taun-taon sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.

           Nagkakaroon ng munting programa sa paglulunsad nito. Kasunod nito ang pagsasagawa ng parada na nilahukan ng lahat ng paaralan sa Lungsod ng Balanga. Nakiisa din ang Sangguniang Panglungsod upang umalalay sa atin.

           Ito ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon na kung saan nagtutulung-tulong ang mga magulang, mag-aaral, guro, punungguro at iba pang kawani ng paaralan sa paglilinis at paghahanda ng paaralan sa darating na pasukan.

            Isang linggong paghahanda upang maging maayos at malinis ang paaralan.

Ang aming paaralan ay nakiisa sa programang ito. Bagama’t maliit ang aming paaralan, kami ay nagtulung-tulong upang maipakita na kami ay nakikiisa sa programang ito.

Brigada Ekswela, salamat sa iyo!

 

 

Comments