News‎ > ‎

BUWAN NG WIKA 2016!

posted Dec 1, 2016, 5:10 PM by Cherilyn Mata

Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ng Buwan ng Wikang Pambansa ay “Filipino: Wika ng Karunungan.” Ito ay pumapaloob sa apat na paksa na magiging patnubay ng programa sa buwan ng Agosto. Ang layunin ng lingguhang paksa ay ang mga sumusunod:
  1. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinga;

  2. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;

  3. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan; at

  4. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

 

Ang Paaralang Elementarya ng E. Bernabe ay nakiisa sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon ng Wikang Filipino ( KWF) na imulat at ikintal sa isipan ng bawat bata ang kahalagahan ng “Buwan ng Wika” sa buong kapuluan. Ang paaralan ay nagkaroon ng iba’t ibang aktibidades sa bawat Linggo ng nasabing buwan, isa na dito ang pagpapalabas ng talambuhay ni Manuel L. Quezon, ama ng Wikang Pambansa,  na may kaugnay sa kanyang mga naiambag sa ating lipunan, mga nakakaantig damdaming awiting makabayan na nagpapagising sa diwa ng pagiging isang Pilipino at pagpapakitang gilas ng piling mga bata sa pagbigkas ng tulang “Filipino: Wika ng Karunungan.” Kaugnay nito, nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga ito. Pinabatid sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng ating “Wikang Pambansa” at paano mapapahalagahan ng isang batang Pilipino ang kanyang sariling bansa.

 

Makabuluhang naisagawa ang programang ito sa bawat silid – aralan ng bawat grado. Makikita at maaaninag sa bawat mag-aaral ang kanilang pagmamahal at pagsuporta na pahalagahan ang sariling wika. Hindi lingid sa ating kaalaman na mahalagang aspekto ng pagiging isang Pilipino ang kaalaman at kahusayan niya sa paggamit ng nito.

 

Comments