News‎ > ‎

Dibisyon ng Lungsod ng Balanga, Lumahok sa Fun Run...

posted Feb 6, 2012, 9:10 PM by Cherilyn Mata

           

Nagkaroon ng malawakang Fun Run ang Kagawaran ng Edukasyon na nilahukan ng mga kawani ng edukasyon, mga guro at mga magulang sa buong bansa. Ang bawat kalahok ay nagbigay ng tulong–pinansyal at mga kagamitan upang mapaganda hindi lamang ang paaralan kundi ang kalidad ng edukasyon. Ito ay ginanap noong Hunyo 19, 2011 kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

            Alinsunod sa programang ito, ang Dibisyon ng Lungsod ng Balanga ay nakiisa rito. Hindi alintana ang sama ng panahon upang maipagpatuloy ang aktibidades na ito. Ang mga kawani, guro at magulang ay sama- samang tumakbo para sa isang hangarin, ang magkaroon ng kalidad sa edukasyon hindi lamang sa lungsod ng Balanga kundi sa buong bansa.

        Naging matagumpay ang pagdiriwang na ito dahil sa  binigay na suporta ng Ama ng Dibisyon ng Lungsod ng Balanga na si G. Jessie D. Ferrer. Kahit hindi nakadalo ang Ama ng Lungsod na si Mayor Joet S . Garcia ay ipinakita niya pa rin ang kanyang pagsuporta sa pamamagitan ni City Administrator Rudy De Mesa.

Comments