News‎ > ‎

Induction of PTA Officers at 3rd Education Summit, Idinaos!

posted Feb 6, 2012, 11:51 PM by Cherilyn Mata

Ang ikatlong Education Summit at pagtatalaga sa mga Pamunuan ng mga Guro at Magulang ay sabay na ginanap sa Lou-is Restaurant noong Hulyo 23-24, 2011 sa pamumuno ng Sangguniang        Panglungsod ng Balanga.

Lahat ng mga magulang at guro sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Balanga na kasapi sa PTA ay sabay-sabay na nanumpa na kanilang gagawin ng buong katapatan ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Kasabay nito, nagkaroon ng Education Summit na kung saan ang mga guro at magulang ay binigyan ng        karagdagang impormasyon sa tamang paggabay sa mga bata. Ibinahagi rin sa kanila kung paano pangalagaan  at  pakitunguhan ang mga bata       sa panahon ngayon.   Itinuro rin sa kanila kung paano nila huhubugin at kung paano magkakaroon ng tamang landas ang kanilang mga anak.

            Naging makabuluhan at matagumpay ang nasabing programa sa pagtutulungan ng Sangguniang Panglunsod at Dibisyon ng Lungsod ng Balanga.

 

Comments