News‎ > ‎

Manlalaro ng E.B.E.S. naghahanda na!

posted May 15, 2011, 7:41 PM by Cherilyn Mata

Naghahanda na ang mga piling bata ng aming paaralan para sa darating na District Meet ‘10 na lalahukan ng mga paaralan na kabilang sa ikalawang distrito.  Tatlong events ang lalahukan ng aming mga manlalaro; ang volleyball, chess at athletics.

            Puspusan ang kanilang pag-eensayo para maging handa ang kanilang isipan at katawan sa darating ng laban. Ang ganitong ensayo ay isinasagawa upang sanayin ang mga piling manlalaro na maipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang uri ng paligsahan.

            Sa pagsasanay nilang ito tinuturuan silang sumunod sa mga alintuntunin ng laro at wastong pamamaraan ng paglalaro nito. Hinuhubog din sa kanila ang pagiging isports sa isang laro.  

            Mapapansin ninyo sa mga manlalarong ito ang kanilang kasiglahan sa pag-eensayo kasama ang kanilang gurong tagasanay at sa patnubay
Comments