News‎ > ‎

Pagdiriwang kay San Agustin..

posted Jun 25, 2012, 6:06 AM by Cherilyn Mata

                 

Tuwing ika-25 ng Enero ng bawat taon ginaganap ang kapistahan ni Santo Agustin ng aming Barangay. Ito ay isang tanda ng pag-alala sa mga kabutihang nagawa Niya para sa sangkatauhan.

                  Nagkaroon ng muting paggunita sa kanyang buhay sa araw na ito. Ang mga mag-aaral ng aming paaralan ay nakiisa sa programang ito. Binigyang buhay ng mag-aaral ang buhay ni Santo Agustine sa pamamgitan ng isang dula-dulaan. Ipinakita dito ang kanyang buhay noong panahon ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda at kung paano Siya naging isang Santo.

  Taun-taon ito ay ginagawa  upang ipasariwa sa alaala ng mga tao ang Kanyang mga nagawa. Ito ay naging makabuluhan dahil na rin sa tulong ng ating sangguniang panlungsod,  ng ating butihing Mayor Joet S. Garcia at sa gabay ng ating punungguro na si Ginoong Alejandro I. Icban, kasama ng pamunuan ng mga guro ng aming paaralan.

  Viva San Agustin!!!

 

ą
Cherilyn Mata,
Jun 25, 2012, 6:06 AM
Comments