News‎ > ‎

Seminar sa Dengue, inilunsad!

posted Feb 6, 2012, 9:17 PM by Cherilyn Mata

           Ang dengue ay pin

akakilalang sakit na kumakalat sa kasalukuyan. Dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit na ito hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, itinuturing ngayon itong pangunahing nakakahawang sakit. Tinatayang 50-100 milyong kaso ng dengue at 500,00 kaso ng mataas na lagnat ang nagresulta sa kamatayan ng 24,000 katao bata man o matanda taun-taon.

Halos kalahati  ng populasyon ng ating mundo ay nakatira sa mga lugar ng pinamamahayan ng lamok na nagdudulot ng nakamamatay na dengue. Kaya naman nitong nakaraang September 12 ng taong kasalukuyan, ang E. Bernabe ay nagdaos ng isang seminar para sa mga bata. Ito ay pinangunahan ni Gng. Jennifer R. Esteban, guro ng Science & Health.

Layunin nitong mabigyan ng wastong kaalaman ang ating mga mag-aaral tungkol sa dengue, mabigyan ng kaalaman sa tamang lunas higit sa lahat ay kung paano ito maiiwasan.

Matapos ang munting seminar sa mga bata,  ang pamunuan ng  YES-O at iba pang mag-aaral ay nag tulung-tulong na naglinis ng kapaligiran.

 

 

 

Comments