News‎ > ‎

Tamoro at Simat, Wagi sa Read-a-thon!

posted Feb 6, 2012, 9:55 PM by Cherilyn Mata

    

Nakasungkit ng panalo ang mag-aaral ng E. Bernabe Elementary School sa katatapos na Read-a-thon Contest. Ito ay may dalawang kategorya—English & Filipino, na kung saan ang mga batang kalahok ay nagpaligsahan ng galing sa Story Retelling, Oral Interpretation at Silent Reading.

                  Hindi nagpadaig ang mag-aaral ng aming paaralan sa paligsahang ito. Nakamit ni Kristine O.   Tamoro ang Best Story Reteller (Filipino) Champion at Abegail C. Simat, 1st Runner up sa Oral Interpretation (Filipino) sa Pandistritong Paligsahan.

  Nagkaroon din ng Division Level sa paligsahang ito na kung saan nagtagisan ng galing ang mga nanalo sa District I, District II at mga mag-aaral buhat sa pribadong paaralan. Natamo ni Kristine O. Tamoro ang 3rd Runner up sa Story Retelling at Abegail C. Simat, 4th Runner up sa Oral Interpretation, sa ilalim ng gurong tagasanay na si Gng. Cherilyn L. Mata.

  Ito ay isang patunay na ang mga mag-aaral ng E. Bernabe Elementary School ay hindi papahuli sa larangan ng masining na pagkukuwento.

  Maligayang pagbati!!!

 

Comments