News‎ > ‎

E.B.E.S. wagi sa DUGONG BALAGUEÑO MASS SINGING CONTEST

posted May 15, 2011, 7:32 PM by Cherilyn Mata

 

 
 Nagkaroon ng paligsahan sa maramihang pag-awit ng Dugong Balagueño ang lahat ng mababang paaralan sa Lungsod ng Balanga. Ito ay ginanap noong ika-23 ng Agosto, 2010.

Ang patimpalak na ito ay sinaksihan ng ating butihing Mayor Joet S. Garcia, Dr. Hilario D. Garcia, mga Education Supervisors sa pangunguna ni Gng. Teresita Q. Nisay  at ang iba pang naging hurado.

Sa paligsahang ito, ang aming paaralan ang itinanghal na Kampeon sa Category B na kung saan ay nilahukan ng siyam na paaralan.

Ipinakita namin ang aming husay at galing sa  larangan ng pag-awit para makamit ang titulong ito. Kaakibat din ng tagumpay na ito ang pagtutulungan at pagpupursige ng aming mga guro at ang walang sawang pagsuporta ng aming mahusay at mabait na punongguro na si Ginoong Armando C. Capili. CONGRATULATIONS E.B.E.S.!!!!!

Comments