News‎ > ‎

It's Cooking Time!!!

posted Nov 24, 2013, 9:28 PM by Cherilyn Mata

“You are what you eat”.... Ito ang isang kasabihan na dapat tandaan sa pagpili ng pagkain na kakainin. Kailangan ng katawan natin ang ibat ibang uri ng pagkain.          Para makiisa sa pagdiriwang na ito, ang E. Bernabe ay nagdaos ng isang “Cooking Festival” para sa magulang at kanilang anak noong nakaraang Hulyo 29 na may temang  “Pagkain ng Masusustansiyang Pagkain ay Ugaliin, Upang Kalusugan ay Kamtin”.

Ang kalahok sa bawat baitang ay nagpakitang gilas sa kani-kanilang putahe. Nagwagi sa palatuntunan sina Gng. Roselyn C. Perey at Rainer C. Perey mula sa ika-apat na baitang, unang gantimpala. Ang pangalawang puweesto ay nakamit nila Gng. Dionette Tamoro at  Janna Marie Tamoro buhat sa ikatlong baitang. Nagmula naman sa unang baitang ang nagkamit ng ikatlong   gantimpala na sina Gng. Alma C. Sidocona at Angelo C. Sidocon.

Comments